22 December 2005

FOUND!!!

nakita na yung toolbox kung nasaan yung mga warmachine models ko.

saan?

sa isang kahon sa likod ng lababo sa 2nd floor ng garahe ng jeep namin kasama ng 2 baterya ng jeep (bago yung isa, yung nawala nung isang linggo) at ilan sa mga nawawalang tools.

hay salamat.

ngayon e naghihintay nalang ako ng blitang nagising syang kinakain ng mga itim na daga yung bayag nya at kumpleto na ang taon ko

21 December 2005

medyo balik sa simula

buti nalang at hiniram ni fred yung ibang warmachine models ko. pagkatapos ng pagnanakaw, meron pa rin akong:

terminus
4 deathripper bonejacks
2 nightwretch bonejacks
defiler bonejack
slayer helljack
seether helljack
deathjack
pistol wraith
scarlock
yagbadoodles - ang ngayong wala nang kwentang egregore.

at nagsimula na rin ako bumili ulit. eto ang mga huling nakuha ko

2 mechanithralls
3 scrapthralls (na magiging mechanithralls din)
croe + 5 cutthroats
pistol wraith
alternate deneghra

sinisimulan ko nang pinturahan si denny. naisip ko nung una, gawin yung ginawa ko sa denny ko dati na binili ni fred: catachan green na damit at drybrushed na mithril silver para sa armor. pero nagbago isip ko (palagi naman) at ginawa kong berde yung armor nya kagaya ng kay terminus.

AT!

pagkatapos ng ilang subok sa mga bretonnian men-at-arms at peasant archers...

nagawa ko rin yung mata niya! hindi na masama para sa unang model na pininturahan ko ng mata.

17 December 2005

maligayang pasko sa inyong lahat!!!!!!!!!

ayos. talagang wala dito sa bahay yung toolbox, wala sa tindahan, hindi ko rin naiwan kila gripal o sa pitshop.

problema ngayon e pupunta ba ko kila carlo mamaya na parang nawalan ng 15,000 pisong halaga ng mga miniature?

teka, nawalan nga talaga ako ng 15,000 pisong halaga ng mga miniature...

tangina ka talaga rey, sana mabulok ang kalahati ng titi mo, pati na ang isang bayag mo. sana hindi bumalik sayo yung mga ginawa mong pagnanakaw samin.

16 December 2005

PUTANG INA!

nawawala yung toolbox ko. andun lahat ng cryx infantry ko, skarre, yung 3 witches (pero nasakin pa rin sa bahay yung egregore...), baboy (bloat) thrall, 1 pistol wraith, reaper helljack at croe's cutthroats.

hinala ko, yung driver namin na pinaalis namin kasi nagnanakaw ng mga spare parts at tools dun sa garahe ng jeep ng nanay at tita ko. sya lang ang laging nakabantay dun at tuwing may nawawalang gamit, pagkatapos ng ilang araw, nanlilibre sya ng driver, andaming pera. tapos nung sinabi kong nawalan ako ng sunglasses sa kotse ko, sobrang defensive sya e wala naman akong sinabi kahit kaninong pinaghihinalaan ko sya. hindi ko sya pinaghinalaan nun.

e ngayon, huli kong ginalaw yung toolbox ko, sunday, iniwan ko yun sa kotse ko. mula monday, siya lang ang gumagalaw ng kotse ko. pinaalis sya nung thursday. ngayon (friday) e nung tinignan ko yung kotse, wala na dun. nung tinanong ko yung katulong ko, nung wednesday palang daw e hindi na nya napansin yung toolbox sa likod (kung saan sya nauupo kasama nung nanay ko.)

nawala din yung inipit kong 500 sa loob ng glovebox. kami lang dalawa yung nasa kotse nung nilagay ko yun dun.

kasalanan ko na siguro na iniwan ko sa kotse ko yung toolbox, pero tangina pa rin. sino pa ba ang paghihinalaan ko pagkatapos ng mga nalaman kong pinaggagagawa nung gagong yun sa garahe namin? sabi ko nga, ni hindi ko man sya pinaghinalaan sa mga nawawala sa garahe. tae sya magmaneho, sinungaling at mayabang sya. peo hindi ko sya pinaghinalaang magnanakaw nun.

ang masakit at nakakatawa lang dito, simabi ko kay jacob kaninang umaga na hindi ako makakadala ng warmachine kanina kasi na carnap ng pulis yung kotse ko kaninang umagang umaga at andun yung toolbox. "na carnap ng pulis" ang sinasabi ko kapag ginagamit ng tatay ko (na isang retired na pulis) yung kotse ko ng hindi nagsasabi sakin.

e hindi naman mawawalan ng gamit yung kotse ko pag gamit nun kasi mas maingat pa sakin yun pag dating sa sasakyan.

ang tao talaga...

09 December 2005

teaser


deathjack. loooooooong way to go.
im planning to cut away the dangling chains and put in some real chain and attatch the hooks to those. will also do the same for the seether.

witches


eto paborito ko sa tatlo.


eto paborito ng halos lahat ng nkausap ko. must be the boobs...

07 December 2005

blargh pt. II

wednesday nalang ako nakakapintura madalas. hump day kasi wala masyado customer kahit ngayon peak season para sa mga photshop.

wednesday. parang ngayon.

ano ano na ba ang mga natapos ko? isang witch nung coven, isang bile thrall, isang mech thrall at si croe. balak kong tapusin ngayong araw na to yung natitirang dalawa sa coven, dullcoat at base nung mga mechthrall at yung huling tatlong bane thralls. tapos yung seether helljack na isang buwan nang nanonood na mapinturahan yung ibang mga model na dumating dito pagkatapos nya.

sunod e yung mga bile thrall, si baboy thrall, cutthroats at si deathjack.