16 December 2005

PUTANG INA!

nawawala yung toolbox ko. andun lahat ng cryx infantry ko, skarre, yung 3 witches (pero nasakin pa rin sa bahay yung egregore...), baboy (bloat) thrall, 1 pistol wraith, reaper helljack at croe's cutthroats.

hinala ko, yung driver namin na pinaalis namin kasi nagnanakaw ng mga spare parts at tools dun sa garahe ng jeep ng nanay at tita ko. sya lang ang laging nakabantay dun at tuwing may nawawalang gamit, pagkatapos ng ilang araw, nanlilibre sya ng driver, andaming pera. tapos nung sinabi kong nawalan ako ng sunglasses sa kotse ko, sobrang defensive sya e wala naman akong sinabi kahit kaninong pinaghihinalaan ko sya. hindi ko sya pinaghinalaan nun.

e ngayon, huli kong ginalaw yung toolbox ko, sunday, iniwan ko yun sa kotse ko. mula monday, siya lang ang gumagalaw ng kotse ko. pinaalis sya nung thursday. ngayon (friday) e nung tinignan ko yung kotse, wala na dun. nung tinanong ko yung katulong ko, nung wednesday palang daw e hindi na nya napansin yung toolbox sa likod (kung saan sya nauupo kasama nung nanay ko.)

nawala din yung inipit kong 500 sa loob ng glovebox. kami lang dalawa yung nasa kotse nung nilagay ko yun dun.

kasalanan ko na siguro na iniwan ko sa kotse ko yung toolbox, pero tangina pa rin. sino pa ba ang paghihinalaan ko pagkatapos ng mga nalaman kong pinaggagagawa nung gagong yun sa garahe namin? sabi ko nga, ni hindi ko man sya pinaghinalaan sa mga nawawala sa garahe. tae sya magmaneho, sinungaling at mayabang sya. peo hindi ko sya pinaghinalaang magnanakaw nun.

ang masakit at nakakatawa lang dito, simabi ko kay jacob kaninang umaga na hindi ako makakadala ng warmachine kanina kasi na carnap ng pulis yung kotse ko kaninang umagang umaga at andun yung toolbox. "na carnap ng pulis" ang sinasabi ko kapag ginagamit ng tatay ko (na isang retired na pulis) yung kotse ko ng hindi nagsasabi sakin.

e hindi naman mawawalan ng gamit yung kotse ko pag gamit nun kasi mas maingat pa sakin yun pag dating sa sasakyan.

ang tao talaga...

No comments:

Post a Comment