30 July 2006

hobby status banzai!

meron nang progress indicator sa mga pinag gagagawa ko dyan sa sidebar. wala lang.
----------

siguro bukas maglalagay ako ng litrato ni reinholdt. ginawa ko sa kanya e kulay goblin (green) ang balat na naka purple na shirt at khaki na shorts. tapos yung suot nyang coat e parang sa cygnar ko din -fort falk scheme, grey w/yellow cuffs & collars. gusto ko din palabasin na luma na yung gamit nya kaya nilagyan ko na rin ng mga tinahing patches yung sa likod at gilid. yung isa dilaw na dapat e may mga maliliit na puso pero sobrang basa pa pala ginamit kong pintura kaya naging bilog yung mga puso. hehehehehe sayang.

bukas e titirahin ko na ng primer yung apat na bane thralls. habang hihinintay ko matuyo yun, baka simulan ko na yung mga natitirang bile thralls o ravenant crew. susubukan kong mag assemly line painting ulit. ang problema lang kasi, kaya ako tumigil nun sa ganung estilo, e dahil pag dating sa mga huling fig dun sa linya e tinatamad na ako kaya pumapanget ang pintura nila.

bahala na.
----------

kamusta ka na? sana ok ka naman. yun lang.

26 July 2006

build day!




19 long gunners, 5 gun mages. also, the journeyman and gunmage captain adept who were stripped about a week ago.

23 July 2006

long gunner captain

natapos ko na yung isang bane thrall (si #3) kaya sinimulan ko na yung captain ng long gunners. yung base na siguro nya ang pinaka maraming dekorasyon sa mga pingsama-samang mga base na nagawa ko sa warhammer at warmachine (sand, cork, flock at static grass!!!).
pinag iisipan ko pa kung tatapat ako sa ginawa ni jun na pininturahan nya ng wood grain yung kahoy na parte nung mga baril.

20 July 2006

pagkatapos ng mahabang panahon

e bumigay na yung mga unang pasta sa ngipin ko. di ko na maalala kung kailan pa yung mga yun pero pagkatapos siguro ng maraming taon na kakanguya ng chicharon at ibang matitigas na pagkain, kahapon hbang ngumunguya ako ng mentos e natanggal na.

kanina pinapastahan ko na agad kasi di na ako makakain. papaayos ko na din yung isa pang ngipin na natanggalan ng pasta dati. bunot na daw yun sabi nung dentista. bulok na kasi. kelangan ko nlang ng permit sa doktor na pwede akong magpabunot kasi nga may hypertension ako.

----------

bakit kaya biglang... heheheh...baka kasi...tapos nung na...tapos. bwahahaahahahaha

----------

magtatatlong linggo na e wala pa din ako napipinturahan ulit... :(

19 July 2006

i gots a new tv!

it has a working remote! it turns off! non screwy input jacks!!!