30 July 2006

hobby status banzai!

meron nang progress indicator sa mga pinag gagagawa ko dyan sa sidebar. wala lang.
----------

siguro bukas maglalagay ako ng litrato ni reinholdt. ginawa ko sa kanya e kulay goblin (green) ang balat na naka purple na shirt at khaki na shorts. tapos yung suot nyang coat e parang sa cygnar ko din -fort falk scheme, grey w/yellow cuffs & collars. gusto ko din palabasin na luma na yung gamit nya kaya nilagyan ko na rin ng mga tinahing patches yung sa likod at gilid. yung isa dilaw na dapat e may mga maliliit na puso pero sobrang basa pa pala ginamit kong pintura kaya naging bilog yung mga puso. hehehehehe sayang.

bukas e titirahin ko na ng primer yung apat na bane thralls. habang hihinintay ko matuyo yun, baka simulan ko na yung mga natitirang bile thralls o ravenant crew. susubukan kong mag assemly line painting ulit. ang problema lang kasi, kaya ako tumigil nun sa ganung estilo, e dahil pag dating sa mga huling fig dun sa linya e tinatamad na ako kaya pumapanget ang pintura nila.

bahala na.
----------

kamusta ka na? sana ok ka naman. yun lang.

3 comments:

  1. Assembly line... Baka nga mangyari na rin saken yun. Bahala na. Sana maganda ikalabas ng method na yun para saken.

    Magandang idea yung progress ng hobby mo sa sidebar, dude. Hehe nagging na hobby konsensya LOL!

    ReplyDelete
  2. may alam ka bang mas madaling paraan para maglagay ng updates sa sidebar na hindi dumadaan sa settings ng template?

    ReplyDelete
  3. Hehehe wala, dude. Yung mga nasa sidebar ko, lahat yun mano-mano ^_^

    ReplyDelete