nilayasan kami ng katulong nung isang linggo. lahat nung apat. nasermonan kasi sila ni mama kasi nanlilimahid yung basement at di sila nagpaplantsa ng damit. ayun, nagsialisan.
ang masakit, kumuha sila ng pera sa lamesa ng nanay ko.
sige sabihin na nga nating nasa mga envelope na may mga pangalan nila yung kinuha nilang pera. kaya lang di pa naman binigay sa kanila e. so pera pa din yun ng nanay ko diba?
tsaka nakatago yung perang yun. ibig sabihin, hinanap pa talaga nila.kahit sabihing di nila ginalaw yung pera ng kapatid ko na kasama nung kinuha nila, tangina ninakawan pa din nila nanay ko.
alam nyo ba kung gaano kabait yung nanay ko sa katulong?
ako nasabihan na dating lumayas ako ng bahay kung gusto ko.
pero ni minsan di pa sya nagpalayas ng katulong.
tangina naman nila kasi. sobrang kalat dun sa baba namin. yung kwarto lang nila malinis. tapos iniipon nila mga plantsahin ng ilang araw bago sila mamlantsa. kaya bad trip din yung kapatid ko e. iilan na nga lang uniporme nya, di pa nila agad inaayos.
tapos brips at mga tshirt ko.
ganito yan ha. kung di makakapaglaba, e pwede akong mag palit ng brips at tshirt ng tatlong beses sa isang araw at hindi ako mauubusan sa loob ng isang linggo. pero nung linggo bago sila naglayas e walang dumadating na brips at tshirt sa kwarto namin.
e tangina nila di na nga nila pinaplantsa mga tshirt ko kahit dati pa e. diretso tupi pagkagaling sa labahan!
tangina talaga.
No comments:
Post a Comment