17 August 2008

choices, choices



palapit na ng palapit ps3 ko.

pinag iisipan ko nalang ngayon kung ano kukunin ko. medyo madami choices dito e. karamihan e asian/hk o jap na 40gig model. nasa 18k sa greenhills. mga 23k nman yung us na 40gig sa mga datablitz. may 80gig din sa datablitz pero nasa 35k, metal gear solid 4 bundle.

ok sana yung 80 gig kasi pwede dun yung mga ps2 games ko. tapos dualshok 3 na yung kasamang controller habang yung mga 40 gig model e sixaxis lang. tapos may multi card reader pa. ang mahal lang kasi.

ang isa pang gusto ko: 40 gig, ntsc/j, metal gear solid 4 guns of the patriots limited gunmetal grey. nasa 25k. ganda ng kulay e tsaka may nakalagay na METAL GEAR SOLID 4 GUNS OF THE PATRIOTS LIMITED EDITION. meron pa namang stock sa ilang mga tindahan dito.

walang backward compatibility ang mga 40 gig na ps3 sa ps2. tsaka walang card reader. tas dalawa lang usb port. di naman problema kasi may ps2 naman ako tsaka pwede naman lagyan ng usbhub/card reader yung ps3 e. kahit nga daw yung mga galing cdrking gumagana.

pero teka meron pa! sa september, ilalabas naman ng sony yung ipapalit sa 40 gig model na 80 gig naman. ang pinagkaiba nya sa 80 gig ngayon, wala syang backward compatibility, 2 lang ang usb at walang card reader. papalitan na nya yung 40 gig model bilang core pack. pinalaki yung hard drive pero same price daw (DAW) ng 40 gig ngayon.

tsaka wala sya nung stainless steel trim nung 80 gig ngayon.

tapos andy pa yung kung us o asian/hk o jap ang kukunin. pare pareho kasi region ng bluray so yung mga movies at games pwede kahit saan. nagkakatalo lang sa presyo at kung gusto ko nga ba ng backward comptibility sa ps2 o kung gusto ko bang pwedeng panooran ng mga lokal na dvd ko.

ewan ko pa sa ngayon. laki ng problema ko no?

pero ang ganda talaga nung gunmetal hehehehehe.

15 August 2008

sabi nga ni lolo:

hay buhay...

get well soon lolo. dapat makapunta ka sa birthday ni enzo ha.

13 August 2008

august 1, 2008

ang huli kong naalala nun, naglalakad ako papasok ng bahay. nung nahimasmasan ako, ang sakit ng ulo ko at kinakausap na ko ng kapatid ko.

"kuya, naririnig mo ba ako? natumba ka ba o humiga ka?"

pakshet.

dinala nila ko sa mcu sa kalookan para matignan. sabog pa din ako sa kotse pero nararamdaman ko na hawak ni jayce yung ulo ko at sinabihan ko yung kapatid ko na umuwi nalang kami at walang kasama si enzo.

pagdating sa ospital, medyo malin na isip ko kahit sobrang sakit ng ulo ko. kinuha ng mga doktor blood pressure ko. 200/150. pati ako nagulat. dati 150/100 ang inaabot ko pag tipong sobrang galit ako o nabobo ako sa pagkain.

200/150. buti daw di ako na stroke.

bumaba din naman habang nakahiga ako dun sa er. tapos binigyan pa din nila ko ng gamot para bumaba pa kasi mataas pa din daw. mga isang araw din ako na confine para ma obserbhan yung bp ko. may ilang beses na bumaba naman pero kadalasan nasa 120-130/100. kelangan ko na daw mag maintenance. at mag diet. at mag exercise. kinuhanan din ako ng dugo at ihi para ma test ang cholesterol at blood sugar.

ato ang maganda: normal ang cholesterol at blood sugar ko!

so yung ka kulangan nalang sa ehersisyo at pagbabawas ng pagkaing mamantika/mataba at maalat ang kelangan kong gawin.kahit daw di na baguhin kinakain ko, bawasan nalang.

----------

august 13, 2008

kelangan ko tumigil sa pagyoyosi...

maliit pa anak ko.