ang huli kong naalala nun, naglalakad ako papasok ng bahay. nung nahimasmasan ako, ang sakit ng ulo ko at kinakausap na ko ng kapatid ko.
"kuya, naririnig mo ba ako? natumba ka ba o humiga ka?"
pakshet.
dinala nila ko sa mcu sa kalookan para matignan. sabog pa din ako sa kotse pero nararamdaman ko na hawak ni jayce yung ulo ko at sinabihan ko yung kapatid ko na umuwi nalang kami at walang kasama si enzo.
pagdating sa ospital, medyo malin na isip ko kahit sobrang sakit ng ulo ko. kinuha ng mga doktor blood pressure ko. 200/150. pati ako nagulat. dati 150/100 ang inaabot ko pag tipong sobrang galit ako o nabobo ako sa pagkain.
200/150. buti daw di ako na stroke.
bumaba din naman habang nakahiga ako dun sa er. tapos binigyan pa din nila ko ng gamot para bumaba pa kasi mataas pa din daw. mga isang araw din ako na confine para ma obserbhan yung bp ko. may ilang beses na bumaba naman pero kadalasan nasa 120-130/100. kelangan ko na daw mag maintenance. at mag diet. at mag exercise. kinuhanan din ako ng dugo at ihi para ma test ang cholesterol at blood sugar.
ato ang maganda: normal ang cholesterol at blood sugar ko!
so yung ka kulangan nalang sa ehersisyo at pagbabawas ng pagkaing mamantika/mataba at maalat ang kelangan kong gawin.kahit daw di na baguhin kinakain ko, bawasan nalang.
----------
august 13, 2008
kelangan ko tumigil sa pagyoyosi...
maliit pa anak ko.
No comments:
Post a Comment