kelangan ko dalas dalasan paglalaro. ang tagal ko mag isip nung naglaro kami ni kim sa bunker nung byernes. dalawang oras para sa 35 points! laro laro pa!
gamit nya si old witch na may behemoth, minimum winterguard na may ua, gregorovitch, greatbears, kayazy na may underboss at si saxon orik. yung dala ko naman ay skorne na may molik karn, max preatorian swordmen at ua, max centrati, titan gladiator, isang unit ng beast handlers at si epic morgoul.
ang hirap kay morghoul, wala syang spell o ability na makakatulong pahabain buhay ng troops nya. mukhang talagang andun lang ang troops sa kanya para makapasok sya (o si molik karn) para mag assassinate ng warlock/warcaster. panget din gamitin para sa depensa yung feat nya. kumbaga bonus nalang yung evasive at ang dapat habulin e yung no free strikes. di din gaano nakatulong yung feat kasi nung sumunod na turn nya e nag feat na din si old witch. ok na sana yung pow 14 hit pag di ka umalis sa control area ni old witch. ang nakadale lang talaga e yung no charge, run at special attacks. tingin ko kaya pang pumasok sana ni morgoul nun kung naka charge sya tapos transfer nalang ng damage sa titan o kay karn.
ganyan talaga nangyayari pag tamad magbasa. hiniram ko na yung card ni old witch pero di ko nabasa ng maayos kung ano ginagawa nung feat nya hehehe.
mas bagay yata kay xerxis yung list.
talo ko pero may mga natutunan din naman kaya ok na din. panget ng madaming proxy, kailangan ko ng totoong titan gladiator at beast handlers!
No comments:
Post a Comment