23 January 2006

crap

the mantra is NOT working.

needs to bring my workbench back to work if im going to get my cryx and lizardmen done by the end of the year.
----------

nagpunta kami nila kim, pork at arvin sa bulacan nung sabado para bumili ng lagari. oo lagari. yung maliit na ginagamit ng mga magaalahas. jewellers saw. ang tawag pala dun sa tagalog e bandili.

oooo diba. may natutunan pa kaming bagong salita. malamang luma na yung salitang yun pero bago sa pandinig namin.

bandili. parang bading kadiri.

ang nakakatuwa dun yung tindahan e sari sari store lang. pwede kang humirit ng "ale, pabili nga ng tasty, cok, tsaka jewellers saw. samahan mo na rin nung talim." tapos, pagkabili namin, diretso sa kabilang bahay para mag samalamig at hotdog. solb.

tapos nun e tumuloy kami sa UP para maglaro. nanalo ako sa laban namin ni pork. gamit nya si ashlyn na maraming kasamang jack. gamit ko si terminus kasama si deathjack. panalo ako kasi matapang si ashlyn at sinugod si deathjack. ayun, nabalasa.

ang mvp units ko nun e yung mga mechanithrall at si baboy. yung anim na mechanithrall e nakapagpatumba ng isang heavy jack (nomad ata) kahit kulang pala sila ng apat na kasama. si baboy naman e naka ipit ng isa pang nomad at isang mule ng mga 2 turn. ayos. kelangan ko nang mapinturahan ng maayos si baboy at yung apat pang mechanithralls.

pumunta nalang kayo sa blog ng warmachine philippines para sa ibang detalye.

No comments:

Post a Comment