tapos ko na pinturahan yung gubat. ok hindi gubat kasi tatlong puno lang ang andun. pero syempre mahirap naman kung gagawa ko ng buong gubat. sa laro ng warmachine o kahit ano pang miniature wargame e mas importante yung bagay na sinisimbolo nung kung ano man yung nasa lamesa.
parang yung isang strip ng turnsignals on a land raider...
captain: eto ang sikreto para mapagkasya ang isang squad ng terminator sa loob ng land raider!
land raider crewman: ano ho?
binigyan yung crewman ng isang toilet plunger. kung titignan mo kasi yung model ng land raider e hindi pwedeng magkasya ang isang squad ng terminator sa loob.
si bile thrall#2 at yung scrap thrall na ginawa kong mechanithrall na may khorne at black templar powerfists tapos na din.
sinumulan ko na rin pinturahan si #2 ravenant. yung may diver helmet. ang ginagawa ko kasi ngayon para mabawasan yung backlog e isang mechanithrall, tapos isang bile thrall, isang ravenant, balik sa mech thralls. nakakahiya nang maglaro ng andami ko ngang infantry, karamihan naman hindi pa napipinturahan.
gumagawa na din ako iba pang terrain para sa mga laro sa UP-CFA. oo paulit ulit kong sinasabi, inggit na inggit ako sa terrain ng hobby haven. sa ngayon e may nag iintay na ruins sa opisina para mapinturahan. kung hindi ako masyadong tamarin bukas e baka sa sabado e magamit na namin yun kasama nung "gubat."
yun nalang muna. maglalagay ako ng litrato bukas.
No comments:
Post a Comment